Siniguro ni House Appropriations Committee Senior Vice Chair Stella Quimbo na tuloy lang ang trabaho ng kanilang komite.
Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co bilang chairperson ng komite, dahil sa isyu sa kalusugan.
“Tuloy lang naman po ang functions ng ating committee on appropriations. We’ll continue to function as before,” sabi ni Quimbo.
Inabisuhan din aniya siya ng liderato ng Kamara na tiyakin na walang magbabago sa trabaho ng komite, bilang siya ang senior vice chair.
“I was advised by the leadership nga na I am to ensure that our Committee on Appropriations will continue to function as before,” ani Quimbo.
Nang matanong naman kung siya na ba ang papalit bilang chairperson, sinabi nito na ang papel niya ay siguruhin na magagampanan ng maayos ng komite ang mandato nito.
“Basta I ensure ko na magpa-function siya as before,” dagdag niya.
Sa hiwalay na panayam kay House Secretary General Reginald Velasco, sinabi niya na bilang Senior Vice Chair si Quimbo ng komite, ay gagampanan niya sa “acting capacity” ang responsibilidad ng tagapangulo ng komite.
Para naman makapagtalaga ng bagong chair ng komite ay kailangan ng aksyon ng plenaryo. | ulat ni Kathleen Forbes