Simula pa kaninang madaling araw ay maraming deboto na ang naglalakad sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City, patungong Quiapo at Quirino Grandstand para makiisa sa Pista ng Itim na Nazareno.
Karamihan sa kanila, nakayapak, at nakasuot pa ng dilaw o maroon na damit na may imahen ng Nazareno.
Nagmula din sa iba’t ibang lugar ang mga debotong ito na may mula sa Roosevelt, Caloocan, at sa Rizal.
Tradisyon na raw nila ang maglakad patungong Quiapo Church bilang pagpapakita ng debosyon sa Hesus Nazareno.
Iba’t ibang kwento rin ng pagpapala ang bitbit ng mga debotong nag-aalay lakad.
Kabilang dito si Lito na ipinagdasal daw noon ang magkaroon na ng kapatid ang anak na pinagbigyan ng Poon. | ulat ni Merry Ann Bastasa