Ika-213 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora ‘Tandang Sora’ Aquino, ipinagdiwang sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagdiwang ngayong araw ng Quezon City government ang ika-213 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, ang pag-aalay ng bulaklak sa sa Tandang Sora National Shrine, Brgy. Tandang Sora.

Sa kanyang mensahe, ipinunto ng alkalde ang pamana ni Melchora Aquino sa bawat Pilipino.

Naging tampok rin sa pagdiriwang ang pagbubukas ng Tandang Sora Women’s Museum.

Ang Museum ay magiging lugar pasyalan kung saan matatagpuan ang talambuhay ni Tandang Sora at kung bakit siya tinawag na “Ina ng Katipunan at Himagsikan.”

Dito rin makikita ang iba’t ibang kwento ng kababaihan at kanilang ambag upang makamit ang kalayaan ng bansang Pilipinas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us