Nakuwestyon ng isang mambabatas ang ginagawang imbestigasyon ng House Committee on Legislative Franchises sa NGCP.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, nakatalima naman ang transmission company sa mga responsibilidad nito salig sa prangkisa nila.
“Precisely, that was the issue. NGCP has complied; BIR said NGCP has complied, then why are we here? Are we trying to dissolve the 50-year franchise of NGCP? Is that the reason, Mr. Chairman?” ani Rodriguez
Sabi pa niya, lumabas sa pagdinig ng Ways and Means na nakabayad naman ito ng buwis na kinumpirma mismo ng BIR.
Maging si Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Mona Dimalanta kinumpirma na tax comppliant ang NGCP.
“In another hearing, I confirm that what we have seen from our record is that compliant with the 3% franchise tax,” saad ni Dimalanta
Giit pa ng CDO solon hindi rin dapat isisi sa NGCP ang delay sa Mindanao-Visayas Interconnection Project dahil right of way ang naging problema dito.
“We have to look at the reasons. In fact, if we see the reasons for delays in the right of way that can never be secured, it stops the project,” aniya
Nagpasalamat naman si Rodriguez sa NGCP na nakumpleto na ang MVIP project dahil masa marami nang power generation plants na naitatayo sa Mindanao at kaya pa makapagbenta ng sobrang kapasidad sa Luzon at Visayas.
Pati ang Department of Energy (DOE) ay sinabi na hindi dapat NGCP lang ang sisihin sa delay ng transmission projects.
“Sa right of way meron pa. There are cases that have pending ERC approval also. It’s a culmination of everything, like sa Panay, there’s an issue with the owner and the DENR,” sabi ni Energy Undersecretary Sharon Garin.
Naniniwala rin si Philreca Party-List Rep. Presley De Jesus na hindi patas na ibunton ang sisi sa NGCP.
Tanong pa niya ano ba talaga ang layunin ng komite, pababain ang presyo ng kuryente o manisi.
“In short, hindi lang ito solely fault ng NGCP, just to make it clear. Ang masama rito, we’re not trying to defend NGCP. We’re trying to level the playing field. Kasi ang dating, kasalanan ng NGCP kung bakit maraming delays,” sabi ni De Jesus. | ulat ni Kathleen Forbes