Patuloy na hamon para sa mga awtoridad ang modus ng mga operator ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP-CIDG Acting Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III na mula sa malalaking compound, lumipat sa mas maliliit na lugar, at ngayon ay nasa bahay-bahay na lamang ang operasyon ng ilan pang POGO sa bansa.
Ipinaliwanag ni Gen. Torre na tulad ng bahay na kanilang sinalakay sa Cavite, kung saan 10 indibidwal lang ang nag-ooperate. Ito ay dahil sa online ang operasyon at hindi na nila kailangan ng nasa iisang malaking lokasyon.
Ayon kay Torre, kabilang ang CIDG sa mga inatasan upang matiyak na maipapatupad ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tuluyang alisin ang POGO sa bansa.
Dagdag pa Torre, sasampahan ng kaso ang mga nagpupumilit na mag-operate ng mga iligal na POGO. | ulat ni Diane Lear