Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mga malalaking proyekto sa transportasyon.
Ito ay matapos na talakayin ang mga plano at solusyon sa unang Cabinet meeting ng 2025.
Kabilang sa tinalakay ang 16 flagship infrastructure projects ng DOTr tulad ng North-South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway Project, at iba pa.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng railway project, pati na rin ang mga hamon na nakakaapekto sa implementasyon nito.
Tulad ng right-of-way acquisition, relocation ng mga maaapektuhan, funding, at iba pang isyu sa lupa at utilities.
Bagama’t nagkaroon ng bawas sa 2025 budget ng DOTr, siiniguro ni Bautista na maipagpapatuloy ang mga proyekto gamit ang loan proceeds mula sa development partners. | ulat ni Diane Lear