Inflation ng bansa, nakikitang pasok sa target range ngayong 2025, ayon sa ASEAN+3 Macroeconomics Research Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang pasok sa target range ng economic manager ang inflation ngayong taon base sa pagtaya ng ASEAN +3 Macroeconomics Research Office o AMRO.

Dahil dito, nakikita rin ang patuloy na pagluwag ng monetary policy cycle ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay AMRO Senior Economist Andrew Tsang, nakikita nilang steady lang ang inflation ng Pilipinas, bunsod na rin ng moderation ng global commodity prices at ipinatutupad ng gobyerno na tariff cut sa imported na bigas.

Nasa pagitan ng 2-4% at average na 3.2% ang nakikitang inflation ng AMRO para sa taong 2025, habang ang BSP naman ay nasa 3.3%.

Una nang sinabi ni BSP Gov. Eli Remolona ang Risk-To-Inflation Outlook ngayong 2025 at taong 2026 ay nakikitang nasa Upside Risk. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us