Panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang posibleng ihain sa Kamara sa susunod na linggo.
Ito ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.
Kung sakali, ito na ang ika-apat na reklamo na ihahain laban sa pangalawang pangulo.
Sinabi rin ni Velasco na mayroong ilang kongresista na nagpahayag na iendorso ang isa sa naunang tatlong impeachment complaint na naihain o ang panibagong reklamo.
Nang usisain, sinabi ni Velasco na mula mayorya ang kongresista
“Some House members have told me in confidence that they are thinking of endorsing one of the three(3) impeachment complaints filed earlier or another complaint. Since the first complaint was filed, only 3 (three) session days.” sabi ni Velasco sa isang text message.
Sa isang hiwalay na pahayag sinabi ni House Deputy Minority Leader France Castro, na plano nilang makipagpulong sa mga susunod na linggo kasama ang iba pang complainants upang umusad na ang kani-kanilang inihaing reklamo. | ulat ni Kathleen Forbes