Inatasan ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lahat ng mga superintendents nito sa lahat ng mga operating prison at penal farms na magsagawa ng dagdag na pag-iingat para matiyak na walang mangyayaring paghihiganti sa kani-kanilang mga nasasakupan matapos ang isang insidente ng pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng isang inmate sa New Bilibid Prison.
Nagdulot din ang nasabing insidente ng pagkasugat ng dalawa pang inmates.
Matatandaang hindi muna naglabas ng pangalan ang pamunuan ng BuCor hanggat hindi pa naiimpormahan ang mga kaanak ng mga ito.
Layon anila nito na mapanatili ang dignidad at respeto sa mga pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na apektado ng nasabing hindi magandang pangyayari.
Giit ng BuCor, iniimbestigahan na ang nangyaring saksakan sa pagitan ng mga inmates kaya kailangan magsagawa ang lahat ng mga pinuno ng iba’t ibang piitan nito ng dagdag na pag-iingat para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga PDLs at mga tauhan. | ulat ni Lorenz Tanjoco