Mananatiling kaisa ng Administrasyong Marcos ang Kamara sa pagpapatupad ng mga programa para labanan ang kahirapan, mapalago ang ekonomiya at makamit ang katatagan sa pagkain.
Ito ang tiniyak ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre kasunod ng resulta ng SWS survey kung saan 63 percent ng pamilyang Pilipino ang kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.
Ani Acidre, patunay ito na lalo pa dapat magsumikap ang Kamara sa pagsulong ng mga lehislasyon na tutugon, lalo na sa food security.
“Food security remains central to our efforts to alleviate poverty and improve the quality of life for every Filipino family,” saad niya.
Ito aniya ang dahilan kung bakit binuo ang Murang Pagkain Supercommittee o Quinta Committee, para siyasatin at aksyunan ang mataas na presyo ng pagkain, smuggling, at mga butas sa supply chain.
Una nang siniyasat ng komite ang isyu sa bigas.
“We are tackling the root causes of food insecurity. By ensuring affordable food for all, we are addressing one of the most pressing concerns of Filipino families,” sabi pa niya.
Patuloy din aniyang nakikipag-ugnayan ang kapulungan sa ehekutibo para mapalakas pa ang mga programa gaya ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at iba pang economic stimulus measures.
“The rising self-rated poverty level is a challenge we must face head-on…Let this survey remind us of our shared mission: to uplift the lives of every Filipino and build a future where prosperity is within reach for all,” diin ni Acidre.
Naniniwala din ang kinatawan, na ang resulta ng survey ay magsisislbing hamon sa bawat isa sa pamahalaan na lalo pa pagsumikapan na mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino. | ulat ni Kathleen Forbes