Tumaas ng 45% ang kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa Quezon City simula Enero 1 hanggang 15 ngayong taon.
Mas mataas ito kumpara noong nakalipas na taong 2024 sa kaparehong panahon.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit,
pinakapektado sa sakit ang mga bata edad 5 taong gulang pababa na may 74% ng kabuuang kaso.
Naipapasa ang HFMD sa pamamagitan ng direktang kontak sa mga taong may sakit nito, ang paghawak sa kontaminadong bagay, pagbahing at pag-ubo, at mula sa dumi ng taong may HFMD.
Bagama’t kusang gumagaling ang HFMD, kailangang mapigilan ang hawaan at matiyak ang kaligtasan ng buong komunidad.
Payo pa ng QC LGU na agad dalhin sa health center ang mga bata na kakitaan ng sintomas ng nasabing sakit. | ulat ni Rey Ferrer