Patuloy ang paalala ng Quezon City government sa mga residente na magdoble ingat lalo na sa Influenza-Like-Illness (ILI).
Batay sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, aabot sa 62 na kaso ng Influenza-Like-Illness (ILI) ang naitala sa lungsod mula December 24, 2024 hanggang January 6, 2025.
Bagamat ito ay 5% na mas mababa kumpara sa nakalipas na 14 na araw (December 10 hanggang 23, 2024), patuloy pa ring pinapayuhan ang publiko sa pagsunod sa minimum health standards.
Nasa 47% naman sa 29 sa mga kaso ng ILI ay mga bata edad 0 hanggang 9-na taong gulang.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar kung nakararanas ng flu-like symptoms tulad ng lagnat at ubo para sa angkop na pangangalagang medikal.
Magsuot ng face mask lalo na sa matataong lugar upang hindi mahawa at hindi makahawa ng anumang respiratory disease. | ulat ni Merry Ann Bastasa