Photo courtesy of Contact Center Association of the Philippines
Umaabot sa $31.5 billion ang kita ng Contact Center Association of the Philippine (CCAP) para sa taong 2024.
Habang nasa 1.62 bilyon naman na trabaho ang naipagkaloob ng industriya sa mga Pilipino.
Ayon kay CCAP President Mickey Ocampo, ang paglago ng IT-BPM ngayong taon ay dahil sa cost efficiency, availability ng high quality talent, infrastructures at matatag na suporta ng gobyerno.
Aniya, nakikita rin niyang magbubukas ng oportunidad ang mga bagong teknolohiya at artificial intelligence, data analytics, cybersecurity at cloud solutions sa industriya.
Ayon kay Ocampo, mahalaga na maging handa ang mga manggagawang Pilipino sa transition ng industriya mula sa traditional contact center service para maging complex o ang knowledge process outsourcing o KPO-based services. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes