Binigyang diin ng Department of Tourism na hindi lang pera ang pakinabang ng mataas na kita mula sa turismo.
Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, ang mahigit P700-B kita ng sektor ng turismo sa bansa ay nagbigay din ng libo libong trabaho para sa mga pilipino.
Pagpapakita aniya ito ng economic resilience at pagbibigay ng pagkakataon sa mga pamilya na umunlad.
Paliwanag pa ni Frasco na dahil dito ang tourism industry ay naging isang mahalagang bahagi ng paglago ng ekonomiya ng bansa, pagbibigay ng kabuhayan sa nakakarami partikular sa mga nasa malalayong lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco