Lakas-CMD stalwarts, tiniyak ang patuloy na suporta sa legislative agenda ng administrasyon ngayong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng mga lider ng Kamara mula Partido Lakas-CMD ang patuloy na suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyon ngayong 2025.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., nakasuporta rin sila sa liderato ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara na nagawang pagkaisahin ang supermajority coaliton na naging daan sa produktibong pagpapatibay ng mga batas na makatutulong sa mga Pilipino.

“Speaker Romualdez’s leadership has been the catalyst for the House’s unprecedented productivity, consistently driving results. His focus on inclusive growth and people-centered reforms demonstrates our collective commitment to improving the lives of every Filipino,” ani Gonzales.

Isa sa mga inihalimbawa ni Deputy Speaker David Suarez ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at Amyenda sa Rice Tariffication Law na tumutugon sa mga isyu sa sektor ng agrikultura gaya ng smuggling at hoarding.

“These measures, passed under Speaker Romualdez’s leadership, address long-standing issues in agriculture. They dismantle cartels, empower farmers, and ensure food security,” saad ni Suarez.

Binigyang-diin naman ni House Majority leader Manuel Jose Dalipe ang kahalagahan ng kolaborasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura sa pagtutulak ng mga reporma para sa mas inklusibo at masaganang bansa.

“The leadership of Speaker Romualdez has shown that transformative change is possible when we work together. Moving forward, the House will champion reforms that build a more inclusive and prosperous nation,” diin ni Dalipe. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us