Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month, magkakaroon muli ng bakunahan para sa 2nd dose ng Libreng HPV Vaccine sa Quezon City.
Ito ay sa pangunguna ni Councilor Charm Ferrer para sa mga taga-Distrito Uno.
Isasagawa ang bakunahan sa Barangay Bahay Toro Health Center ngayong araw.
Ayon sa konsehal, ito na ang tamang pagkakataon na makumpleto ng mga nakatanggap ng unang dose ang kanilang HPV vaccine.
Mahalaga aniya itong hakbang para makamtan ang matibay at kumpletong proteksyon laban sa mga sakit na dulot ng Human Papillomavirus (HPV), kabilang na ang mga uri ng kanser.
Kinakailangan lamang dalhin ang vaccine card para sa mabilis na proseso.
“Huwag nang palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang inyong kalusugan at ang inyong mga mahal sa buhay.” -Coun. Ferrer. | ulat ni Merry Ann Bastasa