Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas na palawakin pa ang liquidity-absorbing facilities nito upang magamit ang sobrang liquidity ng mga banko at non-banks.
Kabilang ito sa tinalakay ng BSP sa International Monetary fund sa kanilang pinakahuling pagbisita sa bansa.
Ayon sa Sentral Bank, kabilang sa kanilang gagawin ang pagpapalawak ng access sa kanilang monetary instruments gaya ng expansion ng kanilang eligible counterparties, eligibility ng BSP bills bilang collateral at flexibility ng mga auctions nito.
Layon nitong paghusayin ang market operations kabila na ang securities at term deposit facilities ng BSP.
Para sa third quarter ng taong 2024, umaabot sa P2.1-T ang excess liquidity ng mula sa banking industry.
Sa ngayon, inirekomenda ng IMF ang reactivation ng interest rate swap (IRS) market upang mas madevelop ang fixed income at monetary policy transmission ng BSP. | ulat ni Melany Reyes