Nagpakalat ng karagdagang mga tauhan ang Land Transportation Office (LTO) sa mga pangunahing kalsada dahil sa inaasahang pagsisikip ng trapiko.
Ito ay dahil sa inaasahang dagsa ng mga magbabalik sa Metro Manila matapos ang holiday break.
Inatasan ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza ang mga Regional Director at heads ng LTO offices na tiyaking may sapat na enforcers sa kalsada para sa traffic management at pagpapatupad ng road safety rules.
Pinaigting din ng LTO ang kampanya laban sa mga truck na lumalabag sa road safety regulations tulad ng overloading at paggamit ng worn-out tires.
Pinaalalahanan din ng LTO ang mga motorista na suriin ang kanilang sasakyan, huwag magmaneho kung nakainom ng alak at matulog nang sapat bago bumiyahe. | ulat ni Diane Lear