Nakokolekta ng higit P32 bilyong kita ang Land Transportation Office (LTO) noong 2024, dahil sa mga ipinatupad na reporma at pagtutulungan ng mga tauhan nito.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, mas mataas ng 8.8% ang nakolekta ng ahensya mula Enero hanggang Disyembre 2024 kumpara sa revenue collection noong 2023.
Batay sa records, higit P29 bilyon lamang ang revenue collection ng LTO noong 2023.
Nauna nang nagpatupad ng mga reporma sa patakaran ang LTO noong nakaraang taon para mapataas ang revenue collection ng national government.
Isa na rito ang pagpapatupad ng outreach programs tulad ng pagpapakalat ng LTO on Wheels, para mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan, alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ngayong 2025, kampante si Mendoza na higit pa ang magagawa ng LTO, lalo pa at nalutas na ang lahat ng mabibigat na hamon na kinaharap ng ahensya bago matapos ang 2024. | ulat ni Rey Ferrer