Mabigat na trapiko, sumalubong sa mga motorista sa ilang bahagi ng NLEX ngayong Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang holiday break ay maagang trapiko ang bumungad sa maraming motorista sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayong Lunes.

Sa 7am monitoring ng pamunuan ng NLEX, nararanasan ngayon sa bahagi ng Balintawak Cloverleaf Southbound ang mabigat na volume ng mga sasakyan.

Dahil dito, nasa 10kph lamang ang running speed ng mga sasakyan na patungong EDSA at A. Bonifacio.

Sa kabila naman nito, light traffic na ang umiiral sa Balintawak Toll Plaza, Mindanao Toll Plaza, at sa Bocaue to NLEX Harbor Link Interchange Southbound.

May bahagyang pila naman ng sasakyan sa Ciudad de Victoria Southbound Entry at sa Bocaue Toll Plaza.

Habang normal na rin ang daloy ng mga sasakyan sa Bocaue Northbound matapos na maialis ang nakahambalang trak sa naturang lugar. | ulat ni Mery Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us