Nagpapasalamat ang Malacañang sa suportang patuloy na ipinagkakaloob ng mga Pilipino sa mga ginagawa ng Marcos Administration.
“As always, we are grateful for the people’s support, as reflected in surveys that have consistently placed us in overwhelmingly positive territory.” —ES Bersamin
Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng pinakahuling resulta ng SWS Survey na nagsasaad na 59% ng adult Filipino, satisfied sa performance ng National Government.
Partikular aniya nilang ikinalulugod ang magandang pananaw ng publiko sa disaster response ng pamahalaan.
“We likewise appreciate the positive reception of our efforts to build housing, put food on tables, and improve transportation.” —ES Bersamin
Kabilang na dito ang delivery ng basic education, pagtugon sa kahirapan, at pagbubukas ng mga oportunidad sa publiko.
“We are particularly thankful for the encouraging results regarding our response to calamities and disasters, our delivery of basic education, and our efforts to uplift the poor and provide jobs to all workers.” —ES Bersamin
Sabi ng kalihim, magpapatuloy lamang ang trabaho ng pamahalaan lalo’t ang tunay na sukatan ng public service ay makikita sa improvement sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
“We maintain that polls are mostly a weathervane for public opinion. They reflect the support we receive for the policies we enact but not necessarily their impact.” —ES Bersamin
Ang mga ganitong survey aniya, tinitingnan ng gobyerno bilang feedback tool upang lalo pang paigtingin ang serbisyong ibinibigay sa mga Pilipino.
“In that sense, the truest measure of public service is whether we improve our people’s lives. This remains the primary standard by which we measure our work. Having said that, we value these periodic mood meter readings as feedback tools that allow us to further enhance our service delivery.” —Bersamin | ulat ni Racquel Bayan