Maharlika Investment Corp., handa na sa unang pamumuhunan ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na ang gagawing unang investment ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ngayong unang quarter ng taon.

Sa isang panayam kay MIC President at CEO Rafael Consing Jr., inihayag nito na ang energy sector ang una nilang paglalagakan ng pamumuhunan ngayong nakakasa na ang kinakailangang workforce at funding.

Aniya, ngayong darating na Huwebes, January 09, magpupulong ang MIC board para aprubahan ang kanilang strategic plan ngayong taon.

Nagkaroon din aniya ng pagbabago sa kanilang orihinal na plano, matapos ang kanilang pulong kasama ang Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporation o GCG.

Kabilang sa mga priority investment ng MIC ang sector ng enerhiya, food, healthcare at resource development gaya ng mining.

Naniniwala ang MIC, na ang pamumuhunan sa energy sector partikular sa transmission line ay magiging may “most impact” sa buhay ng mga Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us