Mahigit 1,000 tauhan ng Philippine Red Cross, ipakakalat para sa Traslacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Philippine Red Cross (PRC) para umalalay sa dagsa ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno para sa Traslacion 2025.

Ito ang pagtitiyak ni PRC Chairperson at CEO Richard Gordon sa isinagawang pulong balitaan sa headquarters nito sa Mandaluyong City, ngayong araw.

Ayon kay Gordon, aabot sa 1,138 na mga tauhan at 18 ambulansya ang ipinakalat para agad rumesponde sa sandaling magkaroon ng emergency sa kasagsagan ng Traslacion.

Bukod dito, nagpakalat din ang PRC ng 12 scooters na iikot sa mga makikipot na kalsadang daraanan ng prusisyon habang mayroon pang 20 ambulansya at 2 rescue boats ang naka standby sakaling kailanganin.

Nasa 17 first aid stations din ang inilatag ng PRC sa mga stratehikong lugar sa rutang daraanan ng prusisyon, mula sa Quirino Grandstand patungong Basilika Minore at National Shrine sa Quiapo.

Magbubukas ngayong araw ang unang 2 first aid station sa Quirino Grandstand para sa pahalik habang bukas naman, Enero 8 magbubukas ang iba pa, hanggang sa buksan na itong lahat sa mismong araw ng Traslacion. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us