Kabuoang 10,797 na mga wanted person ang naaresto ng PNP-CIDG sa loob ng 1 taon.
Sa kanilang ika-72 anibersaryo, ibinida ng CIDG na naaresto nila ang naturang mga indibidwal sa pamamagitan ng iba’t ibang mga operasyon.
Kasama rito ang Oplan Pagtugis, Oplan Salikop, Oplan Paglalansag, Oplan Bolilyo, Oplan Megashopper, Oplan Lira, Oplan Kalikasan at iba pa.
Samantala, umabot naman sa mahigit P3 bilyon ang halaga ng mga ebidensya ang nakumpiska ng CIDG kasama na ang mga pera at halaga ng kagamitan mula sa mga suspek.
Kaugnay nito, 2,729 na mga kaso naman ang kanilang naresolba.
Katumbas ito ng 85.92% crime solution efficiency. | ulat ni Diane Lear