Pormal nang nagpadala ng liham ang Makabayan bloc sa mga nag endorso at complainants ng dalawang iba pang impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara Duterte.
Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, inimbitahan nila sa isang meeting-consultation sa Miyerkules ang dalawang grupo na naghain din ng reklamo laban sa bise presidente upang mapag-usapan kung ano ang common ground na maaari nilang mapagkasunduan at isulong sa impeachment complaint.
Kasama rin aniya sa kanilang magiging agenda ay kung paano itutulak na maaksyunan na ng Kamara ang inihaing mga reklamo
Inihain ng civil society at advocacy groups ang unang impeachment complaint na inendorso ni AKBAYAN party-list Rep. Percy Cendaña.
Mga progresibong grupo naman ang naghain ng ikawalang impeachment complaint na inendorso ng MAKABAYAN bloc
Ang ikatlo naman ay inihain ng grupo ng mga pari at abogado at inendorso nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. at AAMBIS-OWA party-list Rep. Lex Anthony Colada. | ulat ni Kathleen Forbes