Manila Mayor Lacuna pinasalamatan si PBBM sa pagdeklara ng Enero 9 bilang non-working holiday sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pasasalamat nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdeklara ng Enero 9 bilang special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila para sa paggunita ng Pista ng Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay Mayor Lacuna, ang proklamasyon ay magbibigay pagkakataon para sa mga deboto ng Hesus Nazareno na makibahagi sa mga aktibidad ng kapistahan. Para naman sa mga hindi deboto, maaari nilang gamitin ang araw bilang pahinga o magtrabaho na may karagdagang holiday pay.

Dagdag pa ni Lacuna ang kanyang panawagan sa publiko na magtulungan upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan ng trapiko, at pagkakaisa sa lungsod sa panahong ito.

Pinasalamatan din niya ang Quiapo Church at ang Manila Archdiocese sa mga hakbang na isinagawa para matiyak ang kaligtasan ng lahat sa selebrasyon.

Ang Pista ng Poong Hesus Nazareno ay isang mahalagang tradisyon na muling inaasahang dadaluhan ng libo-libong deboto ngayong taon. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us