Manila solon, nanawagan sa COA at ARTA na magsagawa ng special audit sa PhilHealth

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Manila Representative Rolando Valeriano sa Commission on Audit (COA) at Anti-Red Tape Authority (ARTA) na magkasa ng special audit sa PhilHealth.

Ito aniya ay para matukoy kung bakit inefficient ang PhilHealth sa remittances nito sa mga ospital pati na sa database management.

Giit niya, sapat nang batayan ang audited financial statements ng PhilHealth noong 2023 para magkasa ng mas malalim na audit upang matukoy ang sanhi.

Maaari aniya itong gawin ng ARTA at COA nang hiwalay o magkasama.

Sa naturang audit report, natukoy ang kulang at mali-maling entry ng 1.3 million beneficiaries na maaaring magdoble-doble sa enrollment sa PhilHealth Members Information System.

Mayroon ding nadiksubreng duplicate at multiple entries para sa mahigit 266,000 senior citizen members na katumbas ng P1.33 billion na subsidy.

Maging ang mga pangalan ng senior na namayapa na ay hindi pa nalinis at kasama pa sa members database at billings. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us