Maraming deboto, humahabol pa patungong Quiapo Church

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa rin ang dagsa ng mga debotong nag-aalay lakad patungong Quiapo Church para dumalo sa misa ngayong Kapistahan ng Poong Nazareno.

Sa bahagi ng España Blvd sa Maynila, naabutan pa ng RP1 team ang magkakabarangay mula sa Tatalon at Del Monte na naglalakad papunta ng Quiapo Church.

Kumpleto sa damit na may imprenta ng mukha ng Poong Nazareno ang mga grupo at ang ilan ay nakayapak pa.

Ayon kay Nanay Susan, nananghalian muna sila bago sumabak sa mahabang paglalakad at siksikan ng tao sa simbahan ng Quiapo.

Hindi naman na daw ito mag-aabang pa sa Andas at dadalo lang ng fiesta mass.

Kung may mga papunta pa lang, may ilang deboto naman na una nang nagpalipas ng magdamag ang nag-uuwian na.

Karamihan sa kanila, nagko-commute at sumasakay na sa mga pampasaherong jeep.

May mga naglalakad rin naman na gaya ni Jeremiah dahil ito raw ay panata niya sa Poong Hesus Nazareno. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us