Pinalalakas pa ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaabot nito ng access to education sa mga Pilipino, lalo na iyong mga nasa pinakaliblib na lugar sa bansa, ano man ang edad ng mga ito.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara, na ang Alternative Learning System (ALS) ay ang sistema ng pamahalaan na nakatutok sa mga indibiwal na wala sa pormal na edukasyon.
“So, minsan kahit matanda na, puwede pa rin kumuha ng high school degree. In fact, in extreme circumstances, minsan may nakikita tayong mga senior citizens na kumukuha ng senior high school – so iyon puwede iyon, at any age.” -Angara
Ibig sabihin, para ito sa mga nais magbalik eskwela ngunit hindi naka-enroll sa Grade 1 or sa Kinder; Para rin ito sa mga school dropout o sa mga indibiwal na nagkaroon ng problema sa pamilya, at nais bumalik sa pag-aaral.
“Mayroon tayong Alternative Learning System na iba ang pace para hindi mahirapan masyadong maka-adjust or makabalik sa educational system ang ating mga kababayan.” -Angara
Wala aniya ito sa edad.
Tulad aniya ng isinusulong ni Pangulong Marcos, mahalaga ang upskilling at reskilling ng mga Pilipino para lalo pang maging competitive ang labor force ng Pilipinas.
“It’s never too late to learn ‘ika nga, tingin ko iyan ang gustong sabihin ng ating mahal na Pangulo dahil alam niya importante iyong upskilling, iyong reskilling. So, kahit iyong tinatawag na micro-credentials, kahit hindi naka-enroll, puwede mo pa ring pagandahin iyong kuwalipikasyon, ‘yung inyong competencies, ‘yung iyong skills. At iyon, that will translate to a better quality of life dahil maraming… mas maganda iyong trabahong puwedeng aplayan.” -Angara
Dahil sa programang ito, kahit hindi naka-enroll ay maaari pa ring pagandahin ng isang indibiwal ang kaniyang kwalipikasyon, competencies, at kakayahan.
“May mga alternative learning centers sa ibang lugar. At saka iyong mga taga-DepEd umiikot ng bahay iyan, tinitingnan nila, “O, naka-enroll ba si anak mo? Lahat ng anak mo naka-enroll?” Kung may nakita silang hindi naka-enroll, ipapasok nila sa Alternative Learning System…. To make our system more inclusive, tinaas natin iyong allowances ng ating Muslim or Madrasa teachers at as little as five… kunwari limang bata na Muslim na gustong matuto, papadalhan na namin ng teacher at iyon ay considered teacher na under the DepEd – entitled to an allowance at puwede nang magklase.” -Angara | ulat ni Racquel Bayan