Generally peacefull ang naging assessment ng pamunuan National Capital Region Police Office (NCRPO) sa katatapos lang na selebrasyon ng Bagong Taon.
Ayon sa pinakahuling security assessment, nakapagbigay ang NCRPO ng ligtas, maayos, at makabuluhang holiday celebration sa buong Metro Manila.
Ito, ayon sa NCRPO, ay patunay na pangako nito sa publiko na public safety at pagtalima sa prinsipyo ng AAA Policing—Able, Active, and Allied, na nakabatay sa mantra ni Chief PNP Rommel Francisco Marbil na Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka.
Sa naturang assessment personal na minonitor ni Police Brig. Gen. Aberin ang mga key areas sa Kalakhang Maynila habang binisita din ng heneral ang mga lugar na may heavy public convergence gaya ng mga bus terminals at train stations. | ulat ni Lorenz Tanjoco