Unti-unti nang nagsisi-uwian sa kani-kanilang mga bahay ang ilang mga residenteng lumikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na lamang sa 13,875 na indibidwwal ang nananatili sa evacuation centers buhat sa 14,321 na indibidwwal na naitala kahapon, January 2.
Katumbas ito ng 4,263 buhat sa naitalang 4,387 pamilyang nanunuluyan pa rin sa nasa 34 na evacuation centers sa mga rehiyon ng Western at Central Visayas na apektado ng pag-aalburoto ng bulkan
Sa kabuuan, aabot na sa 12,043 na pamilya o katumbas ng 46,259 na indibiduwal ang apektado ng nabanggit na kalamidad.
Aabot na rin sa halos P150 milyon ang naipaabot na tulong ng pamahalaan partikular na ang food packs, hygiene kits at sleeping kits.
Patuloy naman ang ginagawang monitoring at relief operations ng mga ahensya ng pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga apektadong residente. | ulat ni Jaymark Dagala