Sinimulan na ng Quezon City Government ideploy ngayong araw, Jan. 2 ang mga brand new electric bus nito para sa Q City Bus na nagaalok ng libreng sakay sa publiko.
Kasalukuyang bumibyahe ang Electric Q City Bus sa Route 1 na mula Quezon City Hall hanggang Cubao at vice versa.
May 41 seating capacity ang mga electric Q City bus at mas marami ang espasyo dahil papayagan dito ang limitadong bilang ng standing na mga pasahero upang masiguro ang kumportable at ligtas na pagsakay.
Tampok din dito ang wheelchair ramp at area para sa PWDs.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng LGU na mananatili ang parehong ruta at iskedyul ng mga electric Q City bus para sa Route 1, kasama na ang mga bus stops.
Nakaalalay din ang mga kawani ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) para masiguro ang maayos na pagbiyahe gamit ang mga makabagong electric Q City buses. | ulat ni Merry Ann Bastasa