Nagsisimula nang magdatingan ang mga pasaherong pabalik ng Maynila matapos ang Holiday Season sa terminal ng Victory Liner sa Cubao, Quezon City.
Ayon sa dispatcher ng Victory Liner, kada 10 minuto na ang dating ngayon ng mga bus na galing probinsya. Lahat ng mga ito ay fully booked aniya nang umalis sa mga terminal sa Baguio, Zambales, at Pangasinan.
Aniya, kahapon pa naramdaman sa terminal ang bugso ng mga pasaherong pabalik na ng Maynila at posibleng magtagal ito hanggang sa weekend.
Kaugnay nito, marami na ring biyahero na nagbakasyon sa Metro Manila ang nagsisimula na ring mag-uwian sa kani-kanilang probinsya.
Mahaba na muli ang pila sa mga ticketing booth ng terminal at fully booked na rin hanggang bukas ang biyahe patungong Zambales at Baguio. | ulat ni Merry Ann Bastasa