Matatanggap na ng mga kasambahay sa Metro Manila simula sa January 4 ang 500 pesos na karagdagang sahod.
Mula sa P6,500 ay magiging pitong libong piso na ang buwanang sahod ng nasabing mga manggagaw.
Maliban sa Bicol at Davao Region, inilabas na ng ibang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards o RTWPBs ang kautusan hinggil sa dagdag sahod para sa minimum wage earners.
Magugunitang ipinagpaliban ng RTWPB sa Bicol ang proseso para sa wage increase hanggang February 2025 dahil sa epekto ng bagyong Kristine.
Sa kabilang dako, isasagawa ng Davao region ang proseso ng wage deliberation ngayong buwan. | ulat ni Angela Peñalosa