Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matibay at kayang sumagupa sa mga kalamidad gaya ng malalakas na hangin maging ng lindol ang mga bahay na nai- turn over ngayong araw sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa Burauen, Leyte.
Sinabi ng Presidente na masusing idinisenyo ang mga kabahayan ng National Housing Authority sa nabanggit na housing project at ready for occupancy na ng mga beneficiaries.
Nagpahayag din ng kumpiyansa ang Pangulo sa NHA at DHSUD na palalawigin pa ng mga ito ang pagtuklas ng mga disenyo ng mga pabahay na pinatatayo ng gobyerno lalo iba na ang hamon ng panahon.
Kaugnay nito ay binigyang diin ng Pangulong Marcos na libre ang ipinamahaging mga bahay sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasama na din ang loteng pinagtitirikan ng mga housing units.
Ibig sabihin, walang babayarang buwanang amortisasyon ang mga recipient at hindi na maniningil pa ang gobyerno sa kanila. | ulat ni Alvin Baltazar