Pinayagan na ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga magsasaka na makapasok sa loob ng danger zone sa paligid ng bulkang Kanlaon.
Ayon kay OCD Western Visayas Director Raul Ferndez, binigyan sila ng “window time” mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon para makapag-harvest ng kanilang pananim.
Kailangan lamang nilang magparehistro para mabigyan ng passes mula sa mga awtoridad.
Layon nitong malaman ang bilang ng mga tao at matukoy kung saang lugar sila naroroon.
Mas madali rin para sa mga awtoridad na magsagawa ng paglilikas kapag muling pumutok ang bulkan. | ulat ni Rey Ferrer