Mga naka-sibilyang pulis, kasama rin sa mga ipakakalat sa kasagsagan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Miyerkules

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad ng Traslacion 2025.

Gayunman ayon sa PNP, hindi sila magbababa ng kalasag bagkus ay kanila pang paiigtingin ang pagmamatyag upang masigurong ligtas at mapayapa ang tinaguriang pinakamalaking prusisyon sa bansa taon-taon.

Kaya naman bukod sa mga naka-unipormeng pulis, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo na mayroon din silang ipakakalat na naka-sibilyang pulis na hahalo sa prusisyon.

Sila ani Fajardo, ang magmumula sa PNP Intelligence Group na nakatokang mangalap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa seguridad upang agad na maaksyunan sa kasagsagan ng okasyon.

Una nang binigyan ng toka ang PNP ng Anti-Cybercrime Group (ACG) para sa digital intelligence monitoring at gathering habang ang Highway Patrol Group (HPG) naman ang siyang tutulong sa pagmamando ng trapiko gayundin ng crowd control.

Panawagang muli naman ng PNP sa mga lalahok sa Traslacion, iwasan ang paglalabas ng mamahaling gadget, pagsusuot ng alahas, gayunidn ng iba pang kagamitang makatatawag pansin sa mga kawatan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us