Mga nakayapak na deboto ng Itim na Nazareno, papayagang sumakay sa LRT-2 sa araw ng Traslacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na papayagan ang mga nakayapak na deboto ng Poong Itim na Nazareno na sumakay sa LRT-2 sa araw ng Traslacion 2025.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno bukas.

Batay sa abiso ng LRTA, bagamat pinapayagan ang mga debotong nakayapak, mahigpit pa ring ipatutupad ang ‘No Inspection, No Entry’ policy upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng pasahero.

Samantala, mananatili ang regular na oras ng operasyon ng LRT-2 sa January 9.

Aalis ang unang tren mula Recto at Antipolo Station ng 5:00 AM.

Ang huling tren naman ay aalis sa Antipolo Station ng 9:00 PM at 9:30 PM mula sa Recto Station. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us