Mga pasaherong naserbisyuhan sa MRT-3 noong 2024, sumampa sa 135-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang 135,885,336 pasahero ang naitalang sumakay sa Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) noong 2024.

Katumbas ito ng 5.3% na pagtaas mula sa higit 129-million commuter sa katapusan ng 2023.

Umakyat din sa 5.1% ang average daily ridership sa tren noong 2024 o katumbas ng 375,474 pasahero.

Pinakamaraming pasahero ang naitala noong buwan ng Oktubre na umabot sa higit 12-milyon.

Higit 900,000 dun ang mga pasaherong nakinabang sa mga libreng sakay na inialok sa MRT-3 noong nakaraang taon, kabilang rito ang Libreng Sakay program na inanunsyo ng Pangulo noong December 20 na may highest single-day ridership sa taon na sumampa sa 469,930 pasahero.

Ayon kay MRT-3 General Manager (GM) Oscar Bongon, ang mataas na ridership ay bunsod ng tuloy-tuloy na maintenance at operational improvement sa tren para masigurong tatagal lang ng 30 minuto ang byahe mula sa North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station at manatili rin sa 3.5 hanggang 4-na minuto ang headway, o interval sa bawat tren tuwing peak hours.

Ito aniya ang dahilan kung bakit naging maaasahang transportasyon ang MRT-3 para sa mga pasahero sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us