Handa na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kapistahan ng Itim na Poong Nazareno sa susunod na linggo
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, aabot sa 850 tauhan ang kanilang ipakakalat para sa pahalik sa Poong Nazareno na gagawin sa Quirino Grandstand sa Maynila simula Enero 7 hanggang 9.
Idedeploy din ng MMDA ang kanilang Mobile Command Center sa lugar para sa mas mabilis na pagtugon sa anumang emergency at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Bukod dito, 55 body camera ang ilalagay ng MMDA sa strategic location sa ruta ng Traslacion bukod pa sa 3 high resolution movable camera para makita ang sitwasyon sa kasagsagan ng kapistahan.
Giit pa ni Lipana, susundan ng MMDA Clearing Operations Group ang Traslacion upang agad mahakot ang mga maiiwang basura at matiyak na agad malilinis ang kalsada na madadaan ng andas at mga deboto.
Bago ang pista ng itim na Nazareno, araw araw nang magsagawa ng clearing operation ang MMDA para tanggalin ang mga obstruction kabilang ang mga sasakyan at ilegal na istruktura para matiyak ang maayos at ligtas na usad ng Traslacion. | ulat ni Rey Ferrer