Target ng Department of Social Welfare and Development na mai-deploy na sa susunod na buwan sa iba’t ibang rehiyon ang Mobile Kitchen para makatulong sa response efforts ng kagawaran tuwing may kalamidad.
Sa DSWD Forum, ibinahagi ni Dir. Leo Quintilla na nai-deliver na sa NROC ang nasa 15 unit ng customized 4×4 six wheeler truck na mobile kitchen at iniinspeksyon na lang bago ang nakatakdang turnover ceremony sa Feb. 7
Kumpleto na rin ang laman ng mobile kitchen mula sa oven, freezer, heavy duty single burner gas, water tank, mga kitchen utensils at sariling generator.
Ongoing na rin ang pagsasanay ng DSWD sa magiging bahagi ng mobile kitchen team gaya ng driver, safety custodian, cook, kitchen worker at safety officer.
Inaasahan namang ide-deploy ito sa mga evacuation center at sa mga lugar na may mga na-stranded.
Layon nitong makapaghain agad ng hot meals sa 500 benepisyaryo na apektado ng anumang kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa