Pinangunahan ng United States Coast Guard Southeast Asia Training Team ang multinational Boarding Office Course katuwang ang Philippine Coast Guard.
Layon nito na palakasin pa ang kapabilidad at ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa pagpapatupad ng Maritime Law sa rehiyon.
Ipinabatid ng US Embassy sa Kampo Aguinaldo na pinondohan ng US Department of State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ang pagsasanay na ginawa sa Davao City.
Dito, natalakay ang iba’t ibang paksa gaya ng Maritime Law, evidence collection and preservation, safety and risk mitigation, at arresting techniques.
Nasa 32 ang dumalo kabilang na ang 20 mula sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group.
Gayundin ang mga partner mula sa Vietnam Coast Guard, Vietnam Customs Anti-Smuggling and Investigation Department, Vietnam Department of Fisheries Surveillance, at Indonesia Coast Guard.
Habang nagsilbi namang observer ang Australian Boarder Force sa unang linggo ng pagsasanay. | ulat ni Jaymark Dagala
![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2025/01/IMG-dfc54441e5284310c4d4239dafab371b-V-1024x768.jpg)