Naglabas na ng desisyon ang Muntinlupa Regional Trial Court branch 205 na pumapabor sa hiling ng kampo ng aktor na si Vic Sotto, na itigil na ang pagpapakalat ng movie trailer kung saan sinasabing rapist ang TV host actor.
Ayon kay Atty. Buco dela Cruz, nagsumite sila ng writ of habeas data laban sa movie trailer ng direktor na si Daryl Yap nitong January 7, 2025.
Ngayong araw ay naglabas ng desisyon ang korte na kinakatigan ang kampo ni Sotto.
Inaantabayanan na lamang nito ang detalye hinggil sa nasabing desisyon kung kasama ba sa ipapatigil ang showing ng nasabing pelikula, na posibleng ilabas sa susunod na buwan, gayundin ang detalye hinggil sa sharers ng nasabing trailers.
Kasabay nito ay kinasuhan ng kampo ni Sotto si Yap ng 19 counts ng cyber libel sa Muntinlupa Trial Court.
Ayon kay Sotto ito ay bunsod pa rin na movie trailer ni Yap kung saan mapanirang puri umano ito.
Paliwanag ng abugado ni Sotto, na nakakaranas na ang aktor at ang pamilya nito ng iba’t ibamg klaseng pagbabanta at pang bubully naman sa eskwelahan ang anak nito.
Sakaling paboran ng korte si Sotto, mahaharap si Yap sa pagkakakulong at milyon milyong pisong danyos.
Naging mapatalinhaga naman ang sagot ni Yap sa kanyang Facebook page kung saan sinabi nito, na malaya ang sino mang magsampa ng reklamo at walang monopolyo sa katarungan at katotohanan. | ulat ni Lorenz Tanjoco