Patuloy na nag-aalok ng abot-kayang bigas ang National Irrigation Administration Camarines Sur Irrigation Management Office (NIA CSIMO) para sa mga residente ng probinsya ng Camarines Sur.
Mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 4:00 PM, maaaring bumili ng bigas sa halagang ₱35 kada kilo para sa lahat sa opisina ng NIA CSIMO, na matatagpuan sa Barangay Sta. Lucia, Magarao.
Para naman sa mga kabilang sa vulnerable groups tulad ng PWDs, senior citizens, 4Ps beneficiaries, at solo parents, nag-aalok din ng BBM rice sa halagang ₱29 kada kilo o ₱290 bawat 10-kilong bag, basta’t magpakita ng ID na nagpapatunay ng pagiging bahagi ng nasabing grupo.
Hinihikayat ang mga mamimili na magdala ng sariling lalagyan upang maiwasan ang pagtapon ng bigas.
Ang murang bigas ay mabibili sa Thiris Hall sa Sta. Lucia, Magarao sa itinakdang oras at araw. | ulat ni Emmanuel Bongcodin, Radyo Pilipinas Albay
Photo: NIA Camarines Sur IMO