Welcome para kay Murang Pagkain Super Committee lead Chair Joey Salceda ang naitalang pagbagal sa inflation sa presyo ng bigas batay na rin sa inilabas na inflation rate report ng Philippine Statistics Authority para sa buwan ng Disyembre 2024.
Aniya, nakapagtala ng 0.7% month-on-month na pagbaba sa presyo ng bigas.
Habang ang year-on-year price naman ay bumaba ng 0.9 percent.
Bagamat hindi aniya kalakihan, malaking bagay na may paggalaw aniya dito.
Dahil dito, hindi na kasama ang bigas sa mga nagpapamahal sa presyo ng bilihin.
Ayon kay Salceda, malaki ang naitulong ng pagpapatawag ng House Speaker ng pagsisiyasat ng Murang Pagkain Super Committee.
Na-obliga kasi ang mga major rice industry player sa Central Luzon na babaan ang kanilang presyo at inaasahang palalawigin pa hanggang Enero hanggang Pebrero.
“I credit this partly to the actions initiated by the Speaker in response to the Murang Pagkain Supercommittee’s proceedings. By December, the Speaker compelled major rice industry players in Central Luzon to reduce rice prices. We expect more reductions in January and February.” paliwanag ni Salceda.
Itutulak din aniya ng komite sa Department of Agriculture ang pagdedeklara ng rice price emergency. | ulat ni Kathleen Forbes