Ipagpapatuloy ng pamahalaan ang mga ginagawang hakbang nito upang pababain ang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ang pagkain.
Ito ang tinuran ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis sa 2.9 p ang inflation rate nitong Disyembre.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kung susumahin aniya, nananatiling pasok sa target inflation na 2% hanggang 4% ang naitalang inflation sa pagsasara ng 2024, kahit pa ang full year inflation average na 3.2%.
Kasunod nito, sinabi ni Balisacan na patuloy nilang pinaghahandaan ang mas mabilis na inflation lalo’t iiral ang La Niña hanggang sa buwan ng Pebrero habang dalawa hanggang walong bagyo ang aasahan sa unang semestre ng 2025.
Bukod dito, sinabi rin ng NEDA na pananatilihin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang calibrated approach sa monetary policy, pagpapalawak ng Local Adaptation to Water Access (LAWA) ng DSWD at BINHI program sa 323 na lugar sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala