Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na ‘contained’ na ang naitalang kaso ng H5N2 bird flu sa bansa.
Sa panayam sa media, sinabi ng kalihim na kakaunti lang ang tinamaan ng H5N2 at hindi ito sa mga manok kung hindi sa pato.
Ayon sa kalihim, nakatay na ang mga nagpositibo rito at wala ring napaulat na transmission.
Gayunman, sinabi ni Laurel na ang nakakabahala ay ang nangyayari sa Amerika kung saan tumawid na sa mga hayop, at mayroon din umano sa tao ang bird flu.
Unang nang iniulat ng World Organization for Animal Health ang H5N2 bird flu sa “backyard ducks” sa Camarines Norte. | ulat ni Merry Ann Bastasa