Nakuhang underwater drone sa Masbate, sinisiyasat na ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa nakuhang unmanned underwater drone ng mga mangingisda na mayroong Chinese markings sa karagatang sakop ng Masbate nitong Disyembre.

Gayunman ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, isinasailalim na nila sa masusing pagsisiyasat ang nakuhang drone matapos itong i-turnover sa kanila.

Pero ayon kay Trinidad, batay sa kulay ng naturang drone na dilaw ay madalas aniya itong ginagamit para sa scientific research sa pangingisda.

Lumabas din sa paunang obserbasyon na battery operated ang naturang underwater drone kaya’t limitado lamang ang buhay nito at hindi papasok sa pamantayan ng military operations.

Ngunit binigyang-diin ni Trinidad na normal lamang na may mga ganitong uri ng kagamitan gaya na lamang ng mga ginagamit ng kaalyadong bansa ng Pilipinas kapag nagsasagawa ng mga pagsasanay sa karagatang sakop ng bansa.

Tiniyak din ni Trinidad na kanilang isusumite agad ang resulta ng ginawa nilang pagsusuri sa sandaling matapos na ito at ipauubaya na sa mga nakatataas na opisyal kung isasapubliko ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us