Nasa 6.5-M mga deboto, inaasahang lalahok sa Traslacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang 6.5 milyon na mga deboto ang inaasahang makikiisa sa gaganaping Traslacion 2025 sa Quiapo, Maynila.

Ito ang pagtaya ng Philippine National Police (PNP) kung saan mahigit 12,000 na mga pulis ang ipakakalat para tiyakin ang seguridad sa Pista ng Hesus Nazareno sa January 9.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga pulis depende sa sitwasyon.

Bukod sa PNP, may mahigit 2,000 mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at Philippine Red Cross ang itatalaga rin para magbigay ng karagdagang suporta.

Mayroon ding reserve forces ang PNP na nakahanda para sa anumang pangangailangan.

Muling naman nagpaalala ang PNP sa mga debotong makikilahok sa Traslacion 2025 na mag-ingat at makipagtulungan para sa ligtas at maayos na Pista ng Hesus Nazareno. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us