Simula ngayong 2025, araw-araw nang bukas ang National Museum of the Philippines para sa lahat ng nais bumisita rito.
Ayon sa pahayag ng National Museum sa isang Facebook post, bukas na ang kanilang Central Complex sa Maynila at mga Regional Component Museums sa buong bansa pitong araw sa isang linggo, at mananatiling libre pa rin ang pagpasok sa museo.
Ito ay bahagi ng kanilang layunin na magbigay ng mas malawak na akses sa publiko, at siguraduhing mas maraming Pilipino ang makikinabang sa mga programa at serbisyo ng NMP.
Inaasahan ng National Museum ang mas marami pang bisita ngayong taon at handang maglingkod sa lahat ng darating sa kanilang mga museo at galleries.| ulat ni EJ Lazaro